1 batalyon ng PNP-SAF ipinadala sa Mindanao para sa BOL plebiscite

Inquirer file photo

Nagpadala ng dagdag na isang batalyon ng Special Action Force (SAF) ang Philippine National Police sa ilang lugar sa Mindanao kaugnay sa Bangsamoro Organic Law(BOL) plebiscite sa Pebrero 6.

Sinabi ni PNP-SAF Director Chief Superintendent Amando Empiso na kabilang sa kanilang mga ipinadala sa Mindanao ay mula 85th Special Action Company na itinalaga sa Cotabato City at 35th Special Action Company na ikakalat naman sa North Cotabato and Lanao del Norte.

Ang nasabi ring tropa ng pulisya ang itinalaga sa Cotabato City noong January 21 para sa unang round ng BOL plebiscite.

Nauna rito ay nag-deploy na rin ng dagdag na tropa ang militar sa mga lugar na paggaganapan ng ikalawang round ng plebesito.

Sinabi ni Empiso na gusto nilang tiyakin na magiging maayos ang gaganaping halalan sa susunod na araw lalo’t nanatili ang banta ng kaguluhan sa ilang lugar sa Mindanao.

Read more...