Ayon kay DOTr Communications Director Goddes Libiran, ito ay para matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Nagbaba kasi ng direktiba ang pulisya sa train operators na pagbawalan ang pagpasok ng bottled drinks kasunod ng naganap na pagsabog sa Mindanao.
Sinabi ng DOTr official na mas maigi nang maghigpit sa seguridad kaysa malusutan ng masasamang-loob.
Tiniyak din ng opisyal na binibigyan ng konsiderasyon ang iba tulad ng breatfeeding moms, mga taong may kapansanan, senior citizens at iba pa.
Nauna nang sinabi ng Philippine National Police na pwedeng gumamit ng liquid bombs ang mga terorista kaya ipinag-utos nila ang paghihigpit sa pagdadala ng bottled drinks sa mga pampublikong lugar.