Opisyal ng isang pamantasan, sugatan sa pananambang sa North Cotabato

 

Pinaghahanap na ng pulisya sa North Cotabato ang dalawang lalaking nasa likod ng pananambang sa isang opisyal ng state college noong Sabado.

Nakilala ang biktima bilang si Dr. Cedric Mantawil, planning officer ng Cotabato Foundation College of Science and Technology (CFST).

Ayon sa tagapagsalita ng North Cotabato police na si Supt. Bernard Tayong, dating konsehal ng Kabacan, North Cotabato si Mantawil bago maging opisyal ng pamantasan.

Minamaneho umano ni Mantawil ang kaniyang sasakyan sa Sitio Upper Louan, Brgy. Poblacion, President Roxas ganap na alas 8:10 ng umaga nang mag-overtake sa kaniya ang motoriklong may sakay na dalawang lalaki na pinagbabaril siya.

Lumalabas ani Tayong na binuntutan ng mga suspek ang sasakyan ni Mantawil.

Nagtamo ng tama ng bala sa braso si Mantawil at dinala sa North Cotabato Provincial Hospital sa Kidapawan City.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung ano ang posibleng motibo sa pananambang, maging ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Read more...