Ang pahayag ng China ay kasunod ng nauna nitong paggiit na wala itong balak na gawing isang militarized area ang South China Sea sa kabila ng pinaigting na konstruksyong nagaganap sa naturang karagatan.
Sinabi ni Deputy Foreign Minister Liu Zhenmin na ‘for public service’ lamang ang layunin kung bakit nagtataguyod ang China ng mga istruktura sa South China Sea.
Ang mga struktura aniya ay nakadisenyo upang makatulong sa mga barko at mangingisda na mangangailangan ng tulong sa panahon ng mga sakuna.
Ang pagkakaroon aniya ng mga military facilities ay gagamitin lamang upang protektahan ang mga isla na malayo sa kabisera ng China.
Wala aniyang katotohanan na binuo ang mga isla sa South China Sea upang palakasin ang puwersa ng China sa naturang rehiyon.
TInawag din ni Liu na isang uri ng “political provocation” ang pagpapadala ng Amerika ng isang guided-missle warship sa South China sea.
Depensa pa nitio, na sa kabuuang 1,000 isla, reef at atoll sa lugar, pito lamang dito ang nasa hurisdiksyon ng China.
Samantala, ang ilang mga bansa aniya ay iligal na nag-ookupa ng 49 na isla sa South China Sea.