Lamig ng panahon sa Baguio City nabawasan dahil sa monsoon break

Dahil sa monsoon break nabawasan ang lamig ng panahon na nararanasan sa Baguio City.

Alas 5:00 ng umaga kanina, (Feb. 4) 14.4 degrees Celsius ang naitalang minimum na temperatura sa lungsod.

Mas mataas ito kumpara sa 13.2 degrees Celsius na naitala kahapon, araw ng Linggo.

Magugunitang noong Miyerkules, Jan. 30, bumagsak sa 9 degrees Celsius ang temperatura sa lungsod na pinakamababa ngayong taon.

Ginaganap ngayon ang Panagbenga Festival sa Baguio City na porma na nag-umpisa noong Feb. 1.

Read more...