2 patay, 2 sugatan sa pagbagsak ng isang eroplano sa isang bahay sa California

Photo: Orange County Fire Authority

Dalawa ang nasawi matapos bumagsak sa isang bahay ang isang maliit na eroplano sa Southern California.

Ayon sa Orange County Fire Authority (OCFA) maliban sa dalawang nasawi ay mayroon pang dalawa na nasugatan sa insidente.

Sinabi naman ng Federal Aviation Administration na ang bumagsak ay isang Cessna 414A plane.

Kaka-take off pa lang ng eroplano mula sa Fullerton Municipal Airport nang bumagsak ito sa bahay sa Yorba Linda.

Read more...