Pangulong Duterte, maayos ang kondisyon, ‘ready to rumble’ ayon kay ES Medialdea

Hindi siya si Superman.

Pahayag ito ni Executive Secrtary Salvador Medialdea sa gitna ng kumakalat na pekeng Facebook post na patay na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Medialdea, okay ang kalusugan ng pangulo at kayunayan ay ‘ready to rumble’ na para harapin ang tambak na trabaho.

Dagdag ni Medialdea, tao lamang ang pangulo na paminsan-minsan ay nakararanas ng masamamg lagay ng pangangatawan.

Pero pagtitiyak ni Medialdea, maayos ang lagay ng kalusugan ng pangulo.

Matatandaang kumalat ang pekeng FB page kung saan nakasaad na patay na ang pangulo matapos hindi makadalo sa Barangay Summit on Peace and Order sa Palo, Leyte noong Biyernes.

Read more...