M3.6 na lindol naitala sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental kaninang alas-3:40 ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 285 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Sarangani.

May lalim itong 32 kilometro.

Tectonic ang dahilan ng pagyanig at hindi inaasahang nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian.

Wala ring inaasahang aftershocks kasunod ng lindol.

Read more...