Drug suspect timbog sa Oplan Galugad sa Pasay City

Courtesy of SDEU Pasay

Arestado ang isang lalaking drug suspect sa isinagawang Oplan Galugad ng pulisya sa Brgy. 178, Maricaban, Pasay City.

Nakilala ang suspek na si Laurence Biazon, 18 anyos at residente ng lugar.

Naaktuhan ng mga pulis si Biazon sa bahagi ng Saint Francis Street na may hawak na plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Hawak ngayon ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...