Nasabat sa isang buy bust operation sa Tanza, Cavite ang 274 kilograms ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.9 bilyon.
Ikinasa ng mga operatiba mula sa Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang operasyon laban sa dalawang Chinese na kinilalang sina Vincent Du Lim at Hong Li Wen.
Tumambad sa mga awtoridad ang bulto-bultong shabu at napatay ang mga suspek sa kasagsagan ng operasyon.
Ayon kay CALABARZON police regional director Chief Supt. Edward Carranza, konektado ang mga shabu sa natuklasang magnetic lifters na naipuslit sa Cavite.
MOST READ
LATEST STORIES