Ayon kay NCRPO chief Director Guillermo Eleazar, numero uno sa listahan ang mga lumabag sa smoking ban na umabot sa 174,440 o 25 percent ng kabuuang bilang.
Sinundan ito ng 43,391 na menor de edad na lumabag sa curfew hours.
Ikatlo naman sa pinakamaraming lumabag ay ang mga walang damit pang-itaas na umabot sa 39,556 ang violators.
Kabuuang 33,551 naman ang nahuli dahil sa pag-inom sa pampublikong lugar.
Sinabi naman ni Eleazar 20.8 percent lang sa kabuuang bilang ang pinagmulta habang 65.3 percent ay binalaan lamang.
MOST READ
LATEST STORIES