Si Pope Francis ang kauna-unahang Santo Papa na nakarating sa Arabian Peninsula.
Inimbitahan ni Abu Dhabi Crown Prince Sheikh Mohammed bin Zayed al-Nahyan ang lider ng Simbahang Katolika para lumahok sa isang interreligious conference.
Bago ang kanyang pagbisita ay nagbigay na ng mensahe si Pope Francis para sa UAE.
Sa isang video message, sinabi ng pontiff na ang pananampalataya sa Diyos sa kabila ng pagkakaiba-iba ay nagdudulot ng pagkakaisa-isa at hindi pagkakawatak-watak.
Tampok din sa pagbisita ni Pope Francis ang Papal Mass bukas araw ng Martes.
Inaasahang dadaluhan ito ng higit 120,000 Katoliko mula sa iba’t ibang bansa sa Gitnang Silangan.
Nasa isang milyon ang Katoliko sa UAE na karamihan ay mula sa Pilipinas at India.