Ayon kay city fire marshall C/Insp. Dionisio Cayudong Jr., umabot sa 110 ang bahay na naabo at tinatayang nagkakahalaga ang mga ito ng P1.2 milyon.
Patuloy na inaalam ang sanhi ng sunog na umabot sa ikatlong alarma at naapula alas-12:03 na ng tanghali.
Nahirapan ang mga bumbero na maapula ang apoy dahil makipot ang entry points papunta sa lugar.
Sugatan ang anim katao na agad namang nabigyang lunas ayon kay Haron Damada Jr. City Disaster Risk Reduction and Management Council.
Samantala, ang mga pamilyang naapektuhan ng sunog ay kasalukuyang naglalagi sa covered court ng baranggay.
Nakapagbigay na rin ng tulong sa mga nasunugan ang Pagadian city government ayon kay City Social Welfare and Development Office chief Adora Alivio.