Roger Pogoy ipinanalo ang TNT sa overtime kontra Magnolia

Naisalba ni Roger Pogoy ang TNT Katropa kontra Magnolia sa kanilang laban sa PBA Philippine Cup sa MOA Arena, Linggo ng gabi.

Ito ay matapos magpakawala si Pogoy ng limang puntos sa overtime para tapusin ang laban sa iskor na 80-75.

Buena mano ang talong ito ng Magnolia sa torneo habang ang Katropa naman ay umusad mula sa pagkatalo sa Meralco Bolts.

Muling naabot ng Katropa ang .500 mark at napaganda ang win-loss record sa 3-3.

Nanguna para sa TNT si Pogoy na may 26 points at 8 rebounds habang nakadagdag si Jayson Castro ng 24 points.

Pinangunahan naman ni Robbie Herndon ang Magnolia sa kanyang 16 points.

Read more...