Magkakahiwalay na pagyanig naitala sa 4 na lalawigan

Niyanig ng lindol ang apat na lalawigan Linggo ng gabi batay sa earthquake bulletin ng Phivolcs.

Alas-10:51 ng maitala ang magnitude 3.5 na lindol sa 28 kilometro Timog-Silangan ng Sabtang, Batanes.

May lalim itong 25 kilometro.

Magnitude 4.0 naman ang lakas ng lindol na tumama sa 37 kilometro Hilagang-Silangan ng Gigmoto, Catanduanes ganap na alas-11:37.

May lalim naman itong 39 kilometro.

Alas-11:48 naman nang maitala ang magnitude 3.4 na lindol sa 11 kilometro Hilagang-Kanluran ng Burdeos, Quezon.

May lalim itong apat na kilometro.

Makalipas ang limang minuto o alas-11:53 ay tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa 37 kilometro Timog-Kanluran ng Governor Generoso, Davao Oriental.

May lalim naman itong 24 kilometro.

Tectonic ang dahilan ng mga lindol at hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian.

Ayon pa sa Phivolcs, hindi rin inaasahan ang mga kasunod pang pagyanig o aftershocks.

Read more...