Bilang ng nagsisimba sa Jolo, Sulu nabawasan

Nabawasan na ang bilang ng mga nagsisimba sa Jolo, Sulu matapos ang magkasunod na pagpapasabog sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral kamakailan.

Ayon kay Father Ramil Joaquin ng Sacred Heart of Jesus Asturias Chapel sa Jolo, natatakot ang mga nagsisimba na maulit ang pagpapasabog sa Mount Carmel.

Bagamat kakaunti na lamang ang nagsimba, saludo si Father Joaquin sa ilang mananampalataya na malakas pa rin ang loob at patuloy na nagsisimba.

Umaasa si Father Joaquin na manunumbalik din ang dami ng bilang ng mga mananampalataya na magsisimba.

Read more...