LOOK: Gabbi Garcia, ipinasilip ang itsura ng kaniyang dream house

Photo grab from Gabbi Garcia’s Instagram account

Ipinasilip ni Kapuso actress Gabbi Garcia ang loob ng kaniyang dream house.

Gamit ang kaniyang Instagram account, ibinahagi ng 20-anyos na aktres ang mga larawan kuha sa ilang bahagi ng kaniyang bagong bahay.

Makikita ang minimalist style ni Gabbi pagdating sa kanyang bagong bahay kung saan pininturahan ng kulay stark white ang mga pader, kisame at tiles.

Dahil dito, bumuhos ang pagbati ng mga kaibigan at fans ni Gabbi sa kaniyang bagong nakamit na pangarap sa buhay.

Ilan sa mga ito ay ang producer na si Mavic Tagbo, ang boyfriend ni Jasmine Curtis-Smith na si Jeff Ortega, si GMA Artist Center senior talent manager na si Joy Marcelo at marami pang iba.

Read more...