Bumaba ang bilang ng drug-related killings sa bansa noong 2018 kumpara noong 2017.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Senior Supt. Bernard Banac, mula sa 956 na kasong naitala noong 2017, pumalo na lamang sa 272 na drug-related killings ang naital noong 2018.
Ayon kay Banac, ang rivalry o away sa mga drug gangs ang karaniwang motibo sa kaso ng mga pagpatay.
Wala aniyang basehan na extrajudicial killings o kagagawan ng gobyerno ang mataas na kaso ng patayan dahil sa ilegal na droga.
MOST READ
LATEST STORIES