Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesman Senior Supt. Bernard Banac, mula sa 19 na kaso na naitala noong 2017, umakyat ito sa 38 na political killings noong 2018.
Paliwanag ni Banac, tumaas ang kaso ng political killings sa bansa dahil sa nalalapit na ang May 2019 midterm elections.
Nagkakaroon na aniya ng pattern sa bansa na karaniwang tumataas ang kaso ng patayan lalo na ang high profile cases tuwing papalapit ang panahon ng eleksyon.
Kabilang sa mga napatay kamakailan ay sina General Tinio, Nueva Ecija mayor Ferdinand Bote, Trece Martires, Cavite mayor Alex Lubigan, Buenavista, Bohol mayor Ronald Tirol at Ronda, Cebu vice mayor Jonnah John Ungab at Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe.