Malita, Davao Occidental niyanig ng lindol

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 3.3 na lindol sa Davao Occidental, Linggo ng umaga.

Batay sa datos ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 9 kilometers Northeast sa Malita dakong 10:43 ng umaga.

May lalim itong 198 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...