4 na lalaki, arestado sa pagpaslang kay Kap. Beltran

Arestado ang apat na lalaki na suspek sa pagpatay kay barangay chairperson Beng Beltran sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), kasamang naaresto ng apat na suspek ang limang iba pa dahil sa kasong illegal possession of firearms.

Matatandaang pinatay si Beltran sakay ng kanyang SUV sa Barangay Bagong Silangan noong Martes (January 29).

Una nang nag-alok ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng P5 milyong reward para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa mga pumaslang kay Beltran.

Read more...