P1.7M halaga ng shabu, nakumpiska ng PDEA sa Pasig

INQUIRER File Photo

Nakumpiska ang P1.7 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Pasig City, Sabado ng gabi.

Nakuha ang ipinagbabawal na gamot mula sa isang alyas “Lem,” 24-anyos, matapos itong bilhan ng shabu sa bahagi ng Barangay Pinagbuhatan.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nakuha sa suspek ang tatlong plastic bag ng hinihinalang shabu na may bigat na 250 gramo.

Depensa naman ng suspek, ‘runner’ lang siya ng shabu.

Ngunit ani Agent Leverette Lopez mula sa PDEA NCR Eastern District, ang suspek mismo ang naghahatid ng mga binebenteng shabu sa silanganga bahagi ng Metro Manila, Pasig at ilang bayan sa Rizal.

Dagdag pa nito, kapansin-pansin sa galaw ni “Lem” na bihasa na ito sa kaniyang ilegal na aktibidad.

Sa ngayon, inaalam na ng PDEA kung saang grupo kabilang ang suspek na nahaharap sa kasong pagbebenta ng droga.

Read more...