Babae timbog matapos magnakaw ng higit 200 piraso ng bra

Arestado ang isang 25-anyos na babae makaraang magnakaw ng 230 piraso ng bra sa isang tindahan sa Mangaldan, Pangasinan.

Ayon kay Mangaldan Police deputy chief of police C/Insp. Ariel Cabalero, nakilala ang suspek na si Katherine Pastrana, residente ng Brgy. Bolosan, San Carlos City.

Naaktuhan umano ng may-ari ng tindahan na nagnanakaw ng bra si Pastrana kaya’t agad itong isinumbong sa pulisya.

Mahaharap sa kasong pagnanakaw ang suspek na ngayon ay nananatili sa kustodiya ng pulisya.

Read more...