Solidarity walk isasagawa bilang pagkondena sa mga pambobomba sa Mindanao

Nakatakdang magsagawa ng solidarity walk ang Muslim at Christian groups sa Quezon City Memorial Circle (QCMC) bilang pagkondena sa mga naganap na pambobomba sa Mindanao.

Ang aktibidad ay tinawag na “Lakad para sa Kapayapaan Laban sa Karahasan”.

Layon nitong ipakita ang pagkakaisa ng mga Muslim at Kristiyano sa pagtaguyod sa kapayapaan.

Alas-5:00 pa lamang ng umaga ay nagsimula nang magtipon-tipon ang mga kalahok sa aktibidad.

Ang mga Muslim na kalahok ay magtitipon-tipon sa Commonwealth Avenue habang ang mga Kristyano ay sa East Avenue.

Magkakaroon ng palitan ng Bibliya at Quran, inter-faith prayer rally, peace covenant signing at pagpapalipad ng mga puting kalapati bilang simbolo ng kapayapaan at pagkakaisa.

Inaasahang aabot sa 4,000 ang makikilahok sa solidarity walk.

Kaugnay nito, simula alas-7:00 ng umaga ay magpapatupad ng ‘stop and go’ scheme ang Metropolitan Development Authority (MMDA) sa mga kalsada malapit sa QCMC.

Inaasahan ding lalahok sa solidarity walk ang mga delegado ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Inaasahang balik-normal na ang trapiko pagpatak ng alas-10:00 ng umaga.

Read more...