Sa forum sa Quezon City araw ng Sabado ay sinabi ni House Majority Leader Fredenil Castro na pipilitin nila ang Senado na i-itemize ang panukalang national budget ngayong taon.
Nais anyang isulong ng House of Representatives ang transparency kaya dapat na naka-itemized ang pambansang pondo.
Iginiit ni Castro na tutol ang Kamara sa reeanacted budget dahil sa epekto nito sa ekonomiya.
Pahayag ito ni Castro matapos sabihin ni Sotto na isusulong niya ang reenacted budget dahil sa alegasyon na may isiningit na pork barrel funds sa 2019 national budget.
Dagdag ng kongresista, walang ibinigay ang Senado na “institutional amendments” na nagkakahalaga ng P190 billion na ibinunyag ni Rep. Rolando Andaya Jr.
Ayon kay Andaya, ang lump-sum amendments na inihain ng Senado ay lampas sa P190 billion gayung ang panukala ng Kamara ay P51 billion lamang.
Sa tingin ni Castro, sa naturang halaga ay nanganaghulugan ng P7 billion kada senador.