Paolo Contis, ininom ang breastmilk ni LJ Reyes

Video screengrab from Paolo Contis IG

Enjoy ang aktor na si Paolo Contis sa pagkakaroon nila ng baby ng partner na si LJ Reyes.

Patok sa netizens ang Instagram post ni Paolo kung saan mapapanood ito na nasa harap ng isang laptop.

Pagkatapos ay makikita na uminom si Paolo ng gatas na nakalagay sa isang breast pump.

Maririnig sa video ang boses ni LJ na nagsabi na bakit ininom ni Paolo ang kanyang breastmilk.

Kunwaring nagulat ang aktor at nagtanong kung breastmilk nga ba ang kanyang nainom.

Pabiro nitong sinabi na kaya pala ang lusog niya ay isang linggo na siyang breastfed.

Dagdag ng kwelang aktor, masarap ang breastmilk ni LJ.

Ibinahagi naman ni LJ ang IG stories ni Paolo na umiinom ng breastmilk mula sa maliit na bote. Hindi umano kinaya ng aktres ang pag-ubos ni Paolo sa gatas.

Nanganak ang aktres noong nakaraang buwan at hands-on sa pag-aalaga si Paolo sa kanilang baby.

 

View this post on Instagram

 

ISANG PAALALA: Breastmilk is still best for babies up to 34 years old… 😂😂😂

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis) on Feb 1, 2019 at 2:01am PST

Read more...