Dalawang araw matapos ang malagim na pagpapasabog noong Miyerkules ay binuksan nang muli ang mosque sa Zamboanga City.
Araw ng Biyernes ay ibinahagi sa social media ng isang opisyal ng National Ulama Council of the Philippines (NCUP) na si Professor Alih Ayub ang ilang mga larawan ng pagbubukas ng mosque.
Makikita rito ang ilang mga Muslim na nananalangin.
Ibinahagi din ni Ayub ang sinabi sa sermon ni As-Sunnah foundation President Khatib Sheik Zayd Ocfemia na ang Islam ay nagtuturong maging matatag at mapagmahal sa kabila ng pang-uusig.
Sa isa namang hiwalay na post, ay sinabi ni Ayub na determinado silang ayusin ang kanilang bahay-dalanginan.
Matatandaang nasawi sa pagsabog sa naturang mosque ang dalawa katao habang sugatan ang apat na iba pa na pawang mga Muslim leaders.
Nangyari ang insidente tatlong araw lamang matapos ang kambal na pagsabog sa Jolo Cathedral.