11 patay sa pagguho ng gusali sa Syria

SANA via AP

Patay ang 11 katao, kabilang ang 4 na bata, sa pagguho ng isang gusali na nasira na ng ilang taong giyera sa Syria.

Ayon sa Syria state news agency na SANA, nag-collapse ang limang palapag na gusali sa bayan ng Aleppo na ikinasawi ng karamihan sa mga tao sa loob habang isa lang ang buhay na nailigtas.

Ang gusali ay nasa silangan ng komunidad sa Salahuddin na dating naging kuta ng mga rebelde.

Walang ulat sa partikular na dahilan ng pagguho ng gusali liban sa nasira na ito ng giyera sa lugar.

Apat na taon na ang gulo sa pagitan ng gobyerno at mga rebelde sa Aleppo.

Noong 2016 ay naglunsad ang Syrian army ng ilang buwang opensiba at nakontrol nila kalaunan ang syudad.

Mahigit 400,000 katao na ang namatay sa halos walong taong giyera sa Syria at nasira na ang malaking bahagi ng bansa.

Read more...