Manila Bay Rehab, suportado ng Aristocrat Restaurant

Nagpahayag ng suporta ang Aristocrat Restaurant sa rehabilitation program ng pamahalaan sa Manila Bay.

Ito ay matapos ipag-utos ng gobyerno ang pagsasara ng kanilang branch sa kahabaan ng Roxas Boulevard dahil sa umano’y maruming tubig na inilalabas nito sa dagat.

Sa isang statement, sinabi ng restaurant na kailanman ay hindi nila pinayagan at papayagan ang pagdaloy ng kanilang wastewater sa Manila Bay.

Ayon sa Aristocrat, ipinabatid sa kanila ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang problema tungkol sa kanilang wastewater.

Nakikipagtulungan na anya sila sa LLDA para sa pagresolba sa naturang problema.

Sa ngayon ay mananatili umanong nakabukas ang kanilang restaurant at handang pagserbisyuhan ang kanilang customers.

Ang Aristocrat kasama ang Gloria Maris Sharksfin at The Esplanade San Miguel ay pinatawan ng ‘cease and desist’ order matapos makitang nagdudulot ng polusyon ang mga pasilidad nito sa Manila Bay.

Read more...