Ginebra, tinapos ang losing streak; inilampaso ang Columbian

Tinapos ng Barangay Ginebra ang kanilang dalawang magkasunod na talo at inilampaso ang Columbina sa PBA Philippine Cup sa Ynares Center sa Antipolo Sabado ng gabi sa score na 97-85.

Kumanada ang matinding depensa ng Gin Kings sa dalawang kwarter at kinontrol ang Dyip sa score lamang na 35 points.

Ito na ang ikatlong panalo ng Ginebra sa loob ng limang laro.

Habang ang Columbian ay naitala ang ikalawang sunod na talo at bumagsak sa kartadang 2-3.

Sumiklab si Ginebra center Greg Slaughter sa score na 22 points, 12 rebounds habang si rookie CJ Perez ang nanguna sa Columbian sa ginawa nitong 25 points.

Read more...