UPDATE: Sunog sa Parañaque, under control na

Contributed photo

Nasunog ang isang residential area sa Brgy. Vitalez, Parañaque City Sabado ng gabi .

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), alas 11:16 ay itinaas sa ikalawang alarma ang sunog.

Contributed photo

Makalipas ang halos 20 minuto o alas-11:37 ay ideklara namang under control ang sunog.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang sanhi at halaga ng pinsala sa ari-arian ng mga residente.

Walang ulat kung may nasawi o nasugatan sa sunog.

Read more...