2 granada na nasa backpack, natagpuan ng bata malapit sa footbridge sa Maynila

Street View of Google Maps

Natagpuan ng 7 anyos na batang lalaki ang dalawang granada sa isang pulang backpak malapit sa footbridge sa kanto ng Radial Road 10 at Capulong Street sa Tondo, Manila.

Ayon sa Manila Police District, ang nakitang bag ng bata malapit sa footbridge sa southbound lane ng Road 10 ay naglalaman ng MK2 type fragmentation grenade at rifle grenade.

Ipinaalam ng bata ang kanyang nakita sa pulis na nakatalaga sa Border Security Checkpoint sa Capulong Street.

Ayon kay District Mobile Force Battalion acting chief Supt. Rex Arvin Malimban, ligtas nilang narekober ang rifle grenade.

Pero nagdesisyon ang MPD Explosives and Ordnance Division na pasabugin ang fragmentation grenade sa pamamagitan ng ligtas na paraan na paglalagay sa plastic bottle na may lamang ammunition.

Narekober ng pulisya ang fragments ng granada, ilang rounds ng live ammunition para sa .45 caliber pistol at para sa .30 caliber carbine.

Read more...