Ayon kay Philippine Army 6th Division spokesperson Major Arvin Encinas, dalawang OV-10 planes ang nagbagsak ng walong 250-pounds na mga bomba sa posisyon ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Sultan Sa Barongis.
Sinabi ng mga residente sa kalapit na bayan ng Pigcauayan sa North Cotabato na may nakita silang dalawang FA-50 jets na nagbagsak ng mga bomba sa Liguasan Marsh.
Ayon kay Encinas, nagsimula ang air strikes alas 5:00 Sabado ng umaga matapos na positibong matukoy ng ground troops ang lokasyon ng mga bandido.
Tinamaan anya sa air strikes ang kuta ng mga rebelde.
Samantala, sinabi ni ground military commander Major General Cirilito Sobejana na inilagay sa full alert ang tropa ng gobyerno sa rehiyon kasunod ng intelligence report na 40 dayuhang jihadists ang nakapasok sa lugar.
Ang IS-linked BIFF anya ang nag-ooperate sa rehiyon at sila ang nasa likod ng serye ng pagbobomba sa probinsya.