Amerikanong preso, natagpuang patay sa Immigration facility sa Taguig

Isang American national ang natagpuang patay sa isolation room ng Bureau of Immigration (BI) compound sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Kinilala ang biktima na si William Mark St. Cyr, 55 anyos, residente ng New Hampshire, USA.

Nakakulong si Cyr sa BI Warden Facility Protection Unit.

Nabatid sa imbestigasyon na nagdala ng pagkain si Loreto Abacia sa mga inmates nang makita nito ang hubad na katawan ng dayuhan na naka-luhod at ang mukha ay nakasubsob sa sahig.

Pero hindi pinansin ni Abacia si Cyr at nagpatuloy sa pamimigay ng pagkain sa ibang preso.

Gayunman ay sinabihan nito ang gwardya na si Mario Paelan ukol sa nakita.

Nang inspeksyunin ang kwarto ay nadiskubre na patay na ang dayuhan.

Patuloy ang imbestigasyon ng Taguig Police sa insidente.

Read more...