FDA, ipinasara ang kumpanyang nagbebenta ng umano’y pekeng bakuna kontra rabies

Ipinasara ng Food and Drug Administration (FDA) ang kumpanyang supplier ng umano’y pekeng anti-rabies vaccines.

Nagsagawa ng imbestigasyon ng FDA matapos iulat ng The Medical City na nakakuha ito ng pekeng mga bakuna laban sa rabies mula sa Geramil Trading, isang wholesale distributor na may lisensya sa ilalim ng ahensya.

Ang pekeng anti-rabbies vaccines ay mukhang lehitimo at halos walang kaibahan sa orihinal na bakuna liban sa registration number sa label nito.

Ayon sa The Medical City, halos 2,000 pasyente ang nabigyan ng umano’y pekeng bakuna.

Nagsampa naman na ng kaso ang ospital laban sa Geramil Trading.

Samantala, sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na hindi na pinapayagang mag-operate ang naturang distributor ng bakuna laban sa rabies.

Read more...