Sa kanyang tweet ay sinabi ni Locsin na hindi niya ilalaban pero kanyang ipoprotesta
Nais ng kalihim na maghain ang bansa ng protesta sa United Nations General Assembly.
Pabor si Locsin sa posisyon ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na kailangang iprotesta ng bansa ang ginawa ng China.
Posibleng gumawa ang opisyal ng “draft of a compulsory draft” para iprotesta ang aktibidad ng Beijing sa naturang bahura.
Kukumpirmahin anya ng Task Force for the West Philippine Sea ang itinayong rescue center sa nasabing teritoryo.
Una rito ay iniulat ng Xinhua na naglunsad ang China ng martime rescue center sa mga artipisyal na base nito sa Spratlys sa West Philippine Sea.