Sa ulat ng US Geological Survey (USGS), may lalim na 10 kilometro ang nasabing tectonic quake.
Naitala ang epicenter ng lindol sa layong 100 kilometro Silangan ng Tuapejat at 200 kilometro naman sa Timog bahagi ng major port city ng Padang sa isla ng Mentawai.
Bagaman malakas ang nasabing pagyanig ay hindi naman naglabas ng tsunami warning ang mga otoridad.
Sa ngayon ay inaalam pa ang lawak ng pinsala ng lindol sa mga imprastraktura at mga bahay.
Ang isla ng Mentawai ay nakaranas rin ng malakas na lindol noong 2010 na sinundan pa ng tsunami.
Umabot sa 400 katao ang naitalang namatay sa nasabing isla dahil sa tsunamin na nanalasa doon.
Noong nakalipas na Disyembre lamang ay umabot sa 400 katao rin ang namatay makaraang manalasa ang tsunami makalipas ang lindol sa mga isla ng Java at Sumatra malapit sa Sunda Strait.