Nilinaw ni National Capital Regional Police Office Director Guillermo Eleazar na walang banta ng terror attack sa Metro Manila.
Tugon ito ng opisyal kaugnay sa pagpapatupad ng heightened alert at pagdaragdag ng checkpoint sa ilang mga matataong lugar.
Kanya ring sinabi na walang dapat ikatakot ang publiko sa kabila ng mga kaguluhan sa Jolo, Sulu.
Partikular na minomonitor ngayon ng mga pulis sa Metro Manila ang mga malls, transpor hub at iba pang mga matataong lugar.
Samantala bilang pagtiyak na rin sa kaligtasan ng publiko ay nagpasya ang organizing committee ng prusisyon ng Sto. Niño sa Tondo sa Maynila na kanselahin na ang nakatakda sanang prusisyon sa Martes, February 5.
Sa halip ay isang misa na lamang ang gagawin sa Sto. Niño chruch sa Tondo ganap na alas-sais ng gabi.
Sinabi ni Eleazar na nakahanda na rin ang kanilang pwersa kaugnay sa selebrasyon ng Chinese New Year sa susunod na linggo.