Hindi pa rin kumbinsido ang Armed Forces of The Philippines na suicide bomber ang nasa likod ng pagpapasabog sa isang simbahan sa Jolo, Sulu.
Sinabi ni AFP Spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo, may nakikita silang ibang “leads” na nagpapakita na hindi suicide bombing ang nangyari.
Sa inisyal na imbestigasyon ng AFP, pinasabog ang improvised explosive device (IED) gamit ang detonator.
Sa kabila nito, sinabi ni Arevalo na hindi naman nila inaalis ang posibilidad na maaaring suicide bombing ang nangyari na ikinasawi ng 22 tao at ikinasugat ng maraming iba pa.
Ang mahalaga para kay Arevalo ay masuri ang lahat ng anggulo para matukoy ang nasa likod ng pambobomba. //
Nauna dito, sinabi ni DILG Secretary Ano at Defense Secretary Delfin Lorenzana na Indonesian suicide bombers ang nasa likod ng karahasankatuwang ang Abu Sayyaf Group.
Pati si Pangulong Rodrigo Duterte ay kumbinsido na suicide bombers ang nasa likod ng magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu.