Magnitude 6.6 na lindol tumama sa Mexico at Guatemala

Niyanig ng Magnitude 6.6 na lindol ang Southern Mexico

Ayon sa US Geological Survey (USGS), isang magnitude 6.6. na lindol ang yumanig sa Mexico’s southern state sa Chiapas Biyernes ng hapon, at ang lakas ng lindol ay naramdaman din hanggang sa El Salvador.

Isang opisyal ng emergency services sa Chiapas ay nagsabi na nadama niya ang lindol ngunit wala umano siyang nakitang anumang agarang pinsala.

Sinabi ng isang saksi sa Reuters na ang lindol ay nadama sa San Salvador.

Ang sentro ng lindol ay tumama na may lalim na 42 milya (68 km) malapit sa baybayin ng Pasipiko at sa Mexico border sa may Guatemala, ayon sa USGS.

Walang mga agarang ulat ng malalaking pinsala sa Mexico City, bagaman ang ilang mga tao ay umalis sa mga gusali ng tanggapan.

Read more...