Manila Bay puno ng bacteria mula sa dumi ng tao ayon sa LLDA

Inquirer file photo

Nananatiling mataas ang antas ng fecal coliform bacteria sa Manila Bay sa kabila ng patuloy na paglilinis sa paligid nito.

Base sa resulta ng ginawang pagsusuri ng Laguna Lake Development Authority (LLDA), masyadong mataas ang bacteria content ng kinuha nilang water sample malapit sa D Circle Hotel in Malate, Manila, ganun rin sa Tramway Bayview Buffet Restaurant at HK Sun Plaza sa Pasay City

Para maituring na ligtas ang bacteria level sa Manila Bay ay dapat na hindi ito hihigit sa 100 MPN per 100 milliliters na coliform level.

Binigyan naman ng Manila City Hall ng isang linggo ang mga establishimento para ayusin ang kanilang water treatment facilities.

Nauna nang sinabi ng LLDA na aaraw-arawin nila ang pagkuha ng water sample sa Manila Bay bilang bahagi ng patuloy na paglilinis sa kalidad ng tubig sa Lawa ng Maynila.

Bagaman walang nakikitang basura sa kasalukuyan, sinabi ng LLDA na hindi ito nangangahulugan na ligtas na ang Manila Bay para gawing paliguan.

 

Read more...