Amihan patuloy na nakakaapekto sa malaking bahagi ng bansa

Patuloy ang pag-ihip ng Amihan sa mas nakararaming bahagi ng bansa.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, Aurora, Quezon, Eastern Visayas, Surigao del Norte at Surigao del Sur dahil sa Amihan.

Sa nalalabing bahagi naman ng bansa kabilang na ang Metro Manila ay maalinsangan ang panahon maliban na lamang sa mga panandaliang pulo-pulong pag-ulan.

Dahil pa rin sa bugso ng Amihan, nakataas ang gale warning o ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat sa extreme northern Luzon at mga baybaying dagat sa Silangan ng Luzon.

Read more...