Oil price rollback ipatutupad simula ngayong umaga

Matapos ang apat na sunud-sunod na linggong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo, ay isang rollback ang ipatutupad simula ngayong umaga.

Buena mano ang kumpanyang Phoenix Petroleum na magpapatupad ng bawas-presyo.

Sa abiso ng kumpanya, matatapyasan ng P0.65 kada litro ang kanilang gasolina habang P0.35 naman sa kada litro ng diesel.

Epektibo na ito agad mamayang alas-6:00 ng umaga.

Inaasahan namang mag-aanunsyo na rin ng rollback ang iba pang kumpanya ng langis.

Read more...