Sa kabila ng magkakasunod na jihadist attacks, biyahe ni Pope Francis sa Africa, tuloy

 

Inquirer/AP file photo
Inquirer/AP file photo

Todo paghahanda na ang ginagawa ni Pope Francis sa pagbisita sa Africa sa loob ng linggong ito.

Nabatid na ito na ang pinaka-delikadong biyahe ni Pope Francis mula nang mahalal siyang Santo Papa.

Pero sa kabila ng mga jihadist attacks, hindi alintana ni Pope Francis ang panganib.

Katunayan, open topped pope mobile ang gagamitin ng Santo Papa at bibisita pa ito sa mga liblib na lugar maging ang mga refugee camp at mosque.

Layunin ng Santo Papa na maitaguyod ang kapayapaan, social justice at pagkakaisa ng mga Kristiyano at Islam sa pagbisita nito sa Kenya, Uganda, at Central African Republic na tatagal ng limang araw.

Inaasahang magbibigay ng 19 speeches ang 78 anyos na Santo Papa.

Ito na ang ika-labing isang foreign trip ni Pope Francis.

Read more...