Humingi ng paumanhin si Senate President Franklin Drilon sa mga naapektuhan ng matinding traffic bunsod ng katatapos na Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Leaders’ Summit.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Drilon na kapalit naman ng kaunting abala ay malaking tulong sa ekonomiya ng bansa.
Paglilinaw ni Drilon, hindi agad na mararamdaman ng ordinaryong tao ang epekto ng APEC matapos ang isang tulog lamang.
Ayon pa kay Drilon, dahil sa katatapos na APEC, matutulungan na ngayon ang mga small at medium enterprise dahil sa pangako ng ibang bansa na maglagak ng negosyo sa Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES