Mga gabinete, magka-iba ang dahilan sa hindi pagpunta ni Duterte sa Leyte

Mayroon umanong “pressing commitment” si Pangulong Rodrigo Duterte kaya hindi ito nakadalo sa event sa Palo, Leyte ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.

Ang pahayag ni Año ay taliwas sa sinabi ni dating Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na masama ang pakiramdam ng Pangulo kaya hindi ito nakapunta.

Sa panayam ng media sa Barangay Peace and Order Summit sa Palo, Leyte, sinabi ni Año na siya ang kumatawan sa Pangulo dahil mayroon itong mahalagang commitment.

Nang tanungin ukol sa pahayag ni Go ay sinabi ng kalihim na mabuting ang tagapagsalita ng Pangulo ang tanungin.

Pero sinabi naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na kinansela ng Pangulo maski ang kanyang “pressing commitment.”

Hindi anya alam ni Año na maski ang naturang dahilan ay hindi natuloy.

Gaya ni Go ay unang sinabi ni Panelo na hindi maganda ang pakiramdam ng Pangulo pero hindi umano ito dapat ipag-alala.

Read more...