Rain or Shine nakabawi, tinalo ang San Miguel

Nakabawi ang Rain or Shine at tinalo ang San Miguel Beer sa PBA Philippine Cup eliminations sa Ynares Center sa Antipolo Biyernes ng gabi sa score na 108-98.

Umarangkada ang Elasto Painters sa ikalawang kwarter para kontrolin ang Beermen at bumangon matapos ang 111-99 na talo sa Blackwater.

Ang 4-time Most Valuable Player (MVP) na si James Yap ay gumawa ng 21 points pero dahi sa magandang performance ni Rain or Shine rookie Javee Mocon,, na gumawa ng 18 points at 16 rebounds, ay nasorpresa ang San Miguel.

Hindi nakapaglaro para sa 4-time defending champion si Arwind Santos pero balik laro naman si Terrence Romeo.

Sa ngayon ay nasa 3-1 na ang kartada ng Painters habang ang Beermen ay may record ng 2-3.

Read more...