MMDA planong magkaroon ng exclusive motorcycle lanes sa EDSA

Plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkaroon ng eksklusibong linya para sa mga motorsiklo sa kahabaan ng EDSA.

Ito ay kapag naipatupad na ang tinatawag na road diet.

Ayon kay MMDA general manager Jojo Garcia, ang motorcycle lane ay pwedeng katabi ng yellow lane na para sa mga bus.

Sa ngayon, ang umiiral na motorcycle lane o blue lane sa EDSA ay pwede ring daanan ng mga pribadong sasakyan.

Samantala, ang road diet ay magreresulta sa dagdag na lane sa EDSA dahil mababawasan ang lapad ng kasalukuyang mga lanes.

May sukat na 3.4 meters ang 5 lanes sa north at south bound sections ng EDSA.

Ito ay magiging 2.8 meters sa kada lane para magkaroon ng bagong lane sa parehong direksyon para mapabilis ang daloy ng trapiko.

Ang panukalang dagdag na lane ay makakatulong para makabiyahe ang tinatayang dagdag na 6,000 na mga sasakyan sa north at south bound.

Read more...