Duterte tiniyak ang seguridad ng biyuda ni Batocabe

FB Photo

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaligtasan ng biyuda ng pinatay na si Ako Bicol party-list Representative Rodel Batocabe na siya na ngayong tatakbong mayor ng Daraga, Albay.

Ayon sa anak ng kongresista na si Atty. Justin Batocabe, siniguro ng Pangulo ang seguridad ng kanyang ina na itutuloy ang laban ng padre de pamilya.

Sineguro rin anya ng Pangulo ang kaligtasan ng mga taga-Daraga kasabay ng pagpapatuloy ng laban ng pinaslang na mambabatas.

Una nang inanunsyo ni Gertudes Duran-Batocabe na siya ang kapalit ng mister sa mayoralty race sa kanilang bayan.

Ito ay matapos ang pulong kay Pangulong Duterte at ibang opisyal ng gobyerno.

Dagdag ni Justin, magsusumite ang kanyang ina ng mga dokumento sa Commission on Elections (Comelec) office sa Daraga para gawing pormal ang kanyang kandidatura.

Read more...