Pasahero ng MRT-3 inaresto dahil sa bomb joke

Isang pasahero ng MRT-3 ang inaresto dahil sa pagbibiro tungkol sa bomba.

Kinilala ang dinakip na pasahero na si Eddie Boy Pasojinog, 41 anyos na inaresto sa Guadalupe Station.

Ayon sa mga otoridad, dumadaan si pasojinog sa metal detector stall nang siya ay nagsabi ng salitang “Naku may bomba”.

Nadinig ito ng Security Guard na si Nena Patricio at agad inalerto ang mga pulis na nakadeploy sa istayson.

Dinala sa Makati City police si Pasojinog para sa isasampang karampatang kaso.

Read more...